Ako'y Isang Pinoy or I am a Filipino. Pinoy is an informal term used in the Philippines to referring to themselves or Filipinos.
By: Florante
Ako'y isang pinoy sa pusot diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Si Gat. Jose Rizal nooy nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Ako'y isang pinoy sa pusot diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako'y pinoy na mayroong sariling wika
Lyrics of Bayan Ko
Lyrics of Kumusta, mga Kaibigan
Lyrics of Maging Sino ka Man
About the Philippines
No comments:
Post a Comment