Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din raw ng bunga ang buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto nito.
"Ang lungkot naman dito, nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita ang kagandahan ng kapaligiran," wika ng buto ng kasoy.
Narinig ito ng Diwata ng Kagubatan. "Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng kapaligiran? Gusto mo bang lumabas sa iyong bunga?", ana ng Diwata.
"Opo, Inang Diwata, gusto ko po sana, kung iyong mamarapatin," pahayag ng mainiping buto.
"Maganda nga sa labas ngunit ito'y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init at lamig sa labas? Mababasa ka pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan kang makakita pag sapit ng gabi. Mas komportable at tahimik sa loob ng iyong bunga," paliwanag ng Inang Diwata.
"Opo. Kakayanin ko po, basta't makita ko lamang ang nasa labas," panindigan ng makulit na buto.
"O siya. Maari kong pagbigyan ang iyong hiling, subalit hindi ko na maari pang bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maari pang bumalik sa loob," kundisyon ng Diwata.
"Sige po. Hindi ko po hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko," pangako ng buto.
Kumumpas ang Inang Diwata. Namulat ang buto ng kasoy sa kagandahan ng kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang nakita. "Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata, pinasaya mo ako ng lubos," tuwang sambit ng buto.
"Walang anuman, mahal na buto. Tandaan mo lang ang iyong pangako," sambit ng Diwata at naglaho.
Magdamag na nagmasid ang buto habang nakatungko sa ulunan ng kanyang bunga. Nang unti-unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting buto. Nangutim ang mga ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit? ang kulog at kidlat.
"Inaykupo. Bakit nagging ganito? Nakaktakot pala ditto. Gusto ko nang bumalik sa loob. Brrrr. Nanlalamig na ako," nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang tawagin ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako niya sa Diwata na hindi na siya maari pang humiling na makabalik sa loob.
"Tama nga ang Inang Diwata. Sana'y hindi na ako nagmatigas na masunod ang gusto ko," malungkot na wika ng nanlulumong buto.
Ano ang mga aral sa alamat na ito
ReplyDeleteThank you so much Love your blog..
ReplyDeleteLightO